top of page

San Agustin Church


Ang San Agustin Church na matatagpuan sa General Luna St, Manila, Metro Manila ay ang unang simbahan na itinayo ng mga Kastila sa isla ng Luzon. Ito ay yari sa kawayan at nipa at nakumpleto noong 1571, ngunit nawasak ito ng sunog noong Disyembre 1574 sa kasagsagan ng paglusob ng mga puwersa ni Limahong sa Maynila. Ang pangalawang istraktura na itinayo ay yari sa kahoy, ngunit nawasak din ito noong Pebrero 1583 dahil sa sunog na nagmula sa kandila na siyang lumiyab sa telang pinagtatakpan ng ataul habang binuburol ang Gobernador-Heneral na si Gonzalo Ronquillo de Peñalosa.Napagpasyahan ng mga Agustino na itayong muli ang simbahan gamit ang bato, at magtayo din ng katabing monasteryo. Nagsimula ang pagpapatayo noong 1586, ayon sa disenyo ni Juan Macías. Nagsimula ang operasyon ng monasteryo noong 1604, at pormal na idineklarang kumpleto ang simbahan noong 19 Enero 1607, na pinangalang San Pablo ng Maynila.Si Macías, na pumanaw bago natapos ang simbahan, ay opisyal na kinilala ng mga Agustino bilang tagapagtayo ng gusali. Pinagnakawan ang simbahan ng San Agustin ng mga pwersang Briton na siyang sumakop sa Maynila noong 1762 sa kasagsagan ng Digmaan ng Pitong Taon. Noong 1854, isinagawa ang renobasyon sa simbahan sa pamamahala ng arkitektong si Luciano Oliver.



Pagkaraan ng siyam na taon, noong 3 Hunyo 1863, niyanig ng pinakamalakas na lindol sa panahong iyon ang Maynila na nag-iwan ng malaking pinsala sa lungsod. Tanging ang Simbahan ng San Agustin lamang ang hindi napinsala sa lungsod. Isang serye ng lindol ang muling yumanig sa Maynila noong 18 hanggang 20 Hulyo 1880. Sa pagkakataong ito, nag-iwan ang lindol ng isang malaking lamat sa kaliwang kampanaryo ng simbahan. Noong 18 Agosto 1898, ang simbahan ang nagsilbing lokasyon kung saan hinanda ng Kastilang Gobernador-Heneral na si Fermin Jaudenes ang mga kondisyon sa pagsuko ng Maynila sa Estados Unidos matapos ang Digmaang Kastila-Amerikano. Noong sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang simbahan ay ginawang kulungan ng mga preso. Sa mga huling bahagi ng Labanan sa Maynila, daan-daang mga residente ng Intramuros at mga klero ang binihag ng mga sundalong Hapon sa loob ng simbahan, at karamihan sa mga ito ay napatay sa kasagsagan ng labanan. Nakaligtas ang simbahan sa pagkawasak ng halos buong Intramuros ng pinagsanib na mga puwersang Amerikano at Pilipino noong Mayo 1945, bagaman tanging ang bubungan lamang nito ang napinsala. Tanging ang Simbahan ng San Agustin ang nakaligtas sa pitong mga simbahan sa loob ng Intramuros. Isinagawa ang renobasyon sa simbahan noong 2013, kung saan pininturahan muli ang simbahan ng kulay na katulad sa lumang bato. Ang San Agustin Church ay idineklara ng UNESCO bilang isang World Heritage Site noong 1993. Ang abo ni Miguel Lopez de Legaspi na siyang kauna unahang gobernador general at siyang nagtatag ng City of Manila at nakalagak pa rin sa San Agustin Church. Sa aming pagpunta sa simbahan ng San Agustin,kami'y namangha sa istruktura nito. Sadyang napakaganda at mababakas ang pagiging mitikuloso ng pagkakagawa rito. Nakatutuwang isipin na sa pagbisita namin sa simbahang ito, animo'y naging bahagi na rin kami ng kasaysayan sapagkat kami ay nakapunta at nakita namin mismo ang lugar na siyang naging kanlungan ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Nakamamangha ring malaman mula sa isang guwardiyang aming napagtanungan na noong nagkaron ng digmaan, tanging ang simbahang ito lamang ang natirang nakatayo sa loob ng Intramuros. Marahil ang sinasabi nilang Pulang Krus sa ibabaw ng bubong ng simbahang ito ang sanhi kaya't hindi ito nabuwal. Sadyang napakagaling ng pagkakagawa rito at mababakas ang pagiging matatag ng simbahang ito na magpa sa hanggang ngayon ay nananatiling nakatindig.



Recent Posts
bottom of page