top of page

Tatay Danny, Kutsero sa Apat na Dekada


Sa aming pagbibiyahe sa pagtuklas sa Bagong Bayan (Luneta) lumibot din kami sa Lumang Bayan (Intramuros). Bukod sa mga Historical Places na aming pinupuntahan, kapansin pansin din ang kakaibang transportasyon na ginagamit ng mga tao, ang “Kalesa”.

Kalesa, isang transportasyon na di ginagamitan ng makina. Noong unang panahon ito ang tanging transportasyon ng mga tao lalo na ang panahon ng sakupin tayo ng Espanyol. Upang mas maramdaman na nasa sinaunang panahon din nang mga turistang dumadayo habang binabagtas ang mga mayayaman sa historya na lugar sumasakay sila ng Kalesa.


Dito namin nakilala si Danilo Gonzales o si “Tatay Danny” kung kanilang tawagin. Isa siyang kutsero dito sa Intramuros. Alam mo ba na tatlongpu’t siyam na taon o 39 years niya na itong kinabubuhay. Isang taon nalang at mag-aapat na dekada na siyang nagtatrabaho nito. Kamangha mangha di ba?

Ayon sa kanya, noong 1978, siya ay nagsimula sa Chinatown sa Maynila noon sila nagkakalesa. Sa bawat kanto ay Trenta pesos ang singil nila sa pasahero. Hanggang sa noong 2003, nagsimula na sila sa Intramuros mamasada ng kalesa at 250 pesos na ang singil kada 30 minutos.

Ngayong 2017, 500 pesos kada 30 minutos na ang pasahe. Ngunit di parin sapat dahil siya pala nirerentahan lang ang kalesang kanilang pinapasada sa halagang 700 pesos kada araw. Minsan malakas minsan mahina ang pasada kaya ayos na daw sa kanila ang makuha ng 3-4 na pasada kada araw may ipanggastos lang. Ngunit ang kadalasang dagsa ang tao sa pagsakay ng kalesa ay tuwing sabado at lingo.

Sa kulang-kulang na apat na dekadang pagtatarabho ni Tatay Danny sa pagkuktsero nakapag paaral siya ng kanyang anak, nasusutentuhan ang pagangailangan ng kanilang pamilya gayun din ay nakapag patayo siya ng sarili nilang tirahan.

Nalaman din namin na dalawangpu o 20 lang ang kalesang naikot sa loob ng Intramuros. Hindi rin pala sa kanila ang kalesang kanilang pinapasada. Dahil kanila palang nirerentahan lang ang kalesang kanilang pinapasada sa halagang 700 pesos kada araw.

Kadalasan mga dayuhan ang kanilang pasahero lalo na sa ngayon dagsa ang mga Korean na lahi sa Pilipinas lalo na sa Maynila na madalas nilang pasahero. Nakatulong din ang magandang komunikasyon at pagkakaibigan nila sa mga tourist guide ng mga Korean. Dahil sila nagtutulungan sa pagabbalita kapag may dayuhang darating sa Itramuros.

“Masaya sa pakiramdam!” iyan ang sambit ni Tatay Danny. Hindi lang nila nasesrbisyohan ang mga dayuhan nagiging tourist guide din sila sa mga ito upang ipakilala ang kasaysayan ng bansa. Tunay na kamangha mangha ang trabahong kanilang ginagampanan. Ang ipakilala ang ating kasaysayan, ipakita ang kagandahan ng Pilipinas at gayun din ang kagandahang asal na meron ang mga Pilipino nakilang pinapakita sa mga dayuhan.

Hindi lang si Tatay Danny ang may kakaibang istorya gayun din ang kanilang mga kasama. Dapat din tayong magpasalamat sa kanila. Malaki ang papel na kanilang ginagampanan sa ating bansa dahil sa kanila binabalik balikan ng mga dayuhan ang kasaysayan n gating bansa sa Intramuros!


Recent Posts
bottom of page