Walang Katumbas
Walang Katumbas o ‘Priceless’! Ganyan namin kung ilarawan ang sayang aming nararamdaman sa tuwing kaming mga BE-yA-HERO ay laging on the Go!
“Sa mga bata ay makikita, Ngiting nabuo sa kanilang mga mata,
Sa labi ay nakaguhit,
Na kasiyahan ay kanilang nasambit.”
Tulang aking nabuo na talagang tumatak sa aking puso. Ngiti sa mga bata ay makikita ‘Walang Katumbas’ na saya ang aming nadarama. Na siyang tatak sa puso at isipan namin habang buhay.
Noong bata pa ako, masasayang mga pangyayaring naganap saking pagkabata ay hindi ko nalimutan at talagang tumatak saking puso hanggang ngayong dalaga na ako. Kaya ito ang aming naging motibasyon sa pagtulong sa mga bata.
Pagdadasal, ang siyang tanging komunikasyon natin sa ating Ama sa Langit upang magpasalamat, humingi ng kahilingan, magtanong at kung ano pa. Bukod sa mga pagkaing aming ibinigay sa mga bata na talagang kanilang ikinatutuwa, tinuruan din naming silang kung paano magdasal. Gusto namin na matutunan nilang magpasalamat sa ating Ama sa langit sa mga biyaya na kanilang natatanggap maliit man o malaki, makipag usap sa kanya at humingi ng kahilingan.
Ipinaramdam din namin sa mga bata kung gaano kahalaga ang pagdadasal. Na hindi lang kapag may problema tayong nararanasan saka lang tayo magdadasal bagkus dapat din tayong magpasalamat sa biyayang natatanggap natin mula sa kanya. Ipinaalam din naming kung gaano kasaya ang ating Panginoon kung sila ay magdadasal at kung gaano niya ka-mahal ang mga bata na nandiyan lang siya sa kanilang tabi na maiparamdam na hindi sila nag iisa.
Pagkatapos ko silang turuan, kami ay nagdasal. Napakasaya sakin na makita silang sumasabay saking pagdadasal na talagang nahikayat ko sila malaman kung gaano kahalaga ang pagdadasal. Ipinagdasal naming na gabayan sila palagi na ilayo sa kapahamakan, bigyan ng malakas na pangagatawan gayun din ang kanilang pamilya, patuloy bigyan ng mga biyaya, makapagtapos ng pag aaral, gabayan sila sa problemang kanilang kinahaharap, patuloy na maging masaya at marami pang iba.
“SALAMAT ATE!” simpleng mga salita, ngunit tagos saking puso. Dalawang salitang hindi matutmbasan ng kahit ano. Sa aking naturo, ayos na na malamang may natutunan sila at masaya silang nakatulong kami sa kanila. Alam ko na balang araw hindi nila ito malilimutan at madadala hanggang sa kanilang pagtanda. Sa munting oras na sila ay nakasama masasayang mukha na aming naipinta sa kanila ay nakatatak na saming puso at isipan. Hindi lang naming sila nabusog ang tiyan pati ang espiritwal na pangangatawan ay amin ding napunan sa kanila.
Walang salita ang siyang tutumbas na mailarawan ang saya na aming nadama sa bawat Biyahe at pagiging HERO, hindi kami literal na bayani ngunit ang pagtulong sa mga bata ang siyang aming misyon. Kaya kami ay tinawag na BE-yA-HERO (Bi-ya-hero). Sa bawat biyahe na aming pinupuntahan HERO, pagtulong sa kapwa ang siyang amin rin intensyon. Hindi lang aming mga mata ang nabubusog sa mga Historical Places na pinupuntahan, pageeksplor na nakaraan at kadagdagang kalaaman saming isipan. Bagkus nabusog din ang aming puso sa pagtulong sa kanila kahit sa maliit na bagay napasaya namin sila.